000 03906nam a22002777a 4500
003 URS
005 20251120151256.0
008 251118b |||||||| |||| 00| 0 fil d
050 0 0 _aLG 221. R59
_b.G3191 2018
100 1 _aGernale, Jhon Jollo C.
_eResearcher
245 1 0 _aEpekto ng panliligaw sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang/
_cJhon Jollo C. Gernal, Charity, S. Nobleza [and] Maria Paulyn O. Tenerio
260 1 _c2018
300 _ax, 154 leaves;
_billustrations,
_c28cm,
336 _2rdacontent
_atext
337 _2rdamedia
_aunmediated
338 _2rdacarrier
_avolume
502 _aUndergraduate Thesis
_bBachelor of Secondary Education major in Filipino
_cUniversity of Rizal System, Rodriguez, Rizal
_d2018
520 _aIsinagawa ang pag-aaral na ito upang tukuyin ang "EPEKTO NG PANLILIGAW SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG" Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang Kwalitatib-Deskriptib na Pananaliksik, ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigaykuro-kuro o interpretasyon batay sa obserbasyon at pakikipanayam ay naging katanggap- tanggap batay sa nakalap na impormasyon. Bataysa pansariling datos ngmga tagatugonmay parehong bilang ang babae at lalaki, karamihan sa mga tagatugon ay nasa 15-17 ang edad, at ang kabuuang marka ng mga tagatugon ay tumaas. Ang mga epekto ng panliligaw sa pag-aaral ay ang pagpupuyat ng mga tagatugon, ang mga tagatugon ay naging aktibo sa pakikipagpartisipa sa klase, karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakapapasa ng kanilang takdang aralin sa tamang oras at hindi nakapag rerebyu ang mga mag-aaral, iilan na lamang ang kinakausap ng tagatugon. Isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga tagatugon dulot ng ligawan habang karamihan sa mga tagatugon ay hindi na pumupunta sa bahay ng kanyang nililigawan o manliligaw. Ang mungkahing maibibigay upang mapabuti ang dulot ng panliligaw sa pag-aaral ay karamihan sa kanila nagsabi na balansehin ang oras sa pag-aaral t panliligawat mas bigyan prayoridad ang pag-aaral. Sa pamamagitan ng inilahad na pagbubuod, natamo ang mga sumusunod na konklusyon Tumaas ang kabuuang marka ng mga mag-aaral dahil ginawang inspirasyon ang pakikipagligawan sa pag-aaral. May positibo at negatibong epekto ang pakikipagligawan ng mga mag- aaral sa kanilang partisipasyon sa klase sa pangkalahatan. Ang panliligaw ay karaniwang hindi alam o hindi batid ng mga magulang. Upang mabawasan ang masamang epekto ng panliligawaygawing inspirasyon ang panliligaw sa pag-aaral,huwag ituon dito ang buong atensyon. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral at mga konklusyon nabuo ang ilang mga mungkahi sa mga: Mag-aaral.Huwag munang makipagligawan hanggat wala pa sa tamang edad at gawin lamang inspirasyon ang mga ito upang makatulong sa pag-aaral. Balansehin ang oras sa pakikipagligawan upang hindi maapektuhan ang katayuan sa pag-aaral at nararapat lamang na ipaalam sa mga magulang ang lahat ng bagay na nangyayari tungkol sa kanilang sarili at panghuli huwag ibigay ang buong atensyon sa pakikipagligawan sa halip ituon ito sa pag-aaral. Para sa mga guro. Bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral kailangang alamin ito hindi lamang sa pang-akademikong kalagayan ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga personal na usapin tungkol sa kanilang buhay. Para sa mga magulang. Gabayan ang mga anak sa kanilang pang-araw- araw na ginagawa hanggat maaari alamin ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa paaralan at pati na rin sa mga taong nakakasalamuha nila. Para sa mga susunod na mananaliksik. Alamin ang iba pang suliranin ng panliligaw sa mga mag-aaral habang sila ay nag-aaral.
650 _2Epekto ng pagliligaw sa pag-aaral
690 _aUN SDG 4
700 _aNobleza, Charity S.
_eResearcher
700 _aTenerio, Maria Paulyn O.
_eResearcher
700 _aGernale, Jhon Jollo C.
_eResearcher
700 _aSamulde, Willie E.
_eAdviser
942 _2lcc
_cT
999 _c88705
_d88702