Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga Mag-aaral ng ikalawang taon sa mataaas na Paaralan ng Montalban Heights/ Joan Esparrago Arcebido, Monalie Carigo Panganiban, Jessica Tampilic Verdera, [and] Emma Francisco Zonio

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2011Description: xiv, 69 leaves, Illustrations, 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .Ar21 2011
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2011 Summary: Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon sa Mataas na Paaralan ng Montalban Heights. Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang pansariling datos ng mga mag-aaral batay sa kasarian, marka sa Filipino (unang taon) at wikang sinasalita; (2) Ano ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahgi ng panalita sa mga mag-aaral; (3) May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon ayon sa kanilang propayl Ang pamamaraang ginamit ay palarawan sapagkat tumutukoy ito sa pangkasalukuyang pag-aaral. Ang mga tagatugon ay napili sa pamamagitan ng random sampling. Sa isang silid-aralan ay may 20 respondente. Ang bilang ng mga lalaki ay 45 at ang mga babae ay 55 na may kabuuang bilang na 100 na mga mag-aaral sa ikalawang taon sa mataas na paaralan ng Montalban Heights. Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang bahagi: una tungkol sa propayl ng mga tagatugon, at sa pangalawa nakapaloob ang apat na kasanayan: uri ng pangngalan, kayarian ng pangngalan, uri ng panghalip at kaukulan ng panghalip. Ito ay binubuo ng 40 na aytem na ibinigay sa pagsusulit upang malaman ang kanilang kahusayan sa pagtukoy ng kauriaang nominal. Ginamit ang Likert Scale upang malaman ang interpretasyong berbal sa pagsusuri ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal. Sa unang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage. Nalaman sa pag-aaral na ito na ang babae ang may pinakamataas na bilang ng mga tagatugon batay sa kasarian. Nalaman din na ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon ay nakakuha ng 76-80 na marka sa Filipino (unang taon). Samantala ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon batay sa wikang sinasalita ang Tagalog. Sa ikalawang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage at Weighted Mean. Tinuklas sa suliraning ito ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral. Nalaman na ang weighted mean sa uri ng pangngalan ay5.52 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa kayarian ng pangngalan, ang weighted mean ay 5.19 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa uri ng panghalip ang weighted mean ay 4.65 na may interpretasyong berbal na mahusay at sa kaukulang panghalip ang weighted mean ay 3.43 na may interpretasyong berbal na di- gaanong mahusay. Ginamit ang pormulang One Way ANOVA sa ikatlong suliranin upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba ng pag-aaral. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa wikang sinasalita na haypotesis na tinanggap at may interpretasyong berbal na walang kaugnayan.Samantalang may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa kasarian at sa marka sa Filipino (unang taon) na may haypotesis na di-tinanggap at may interpretasyong berbal na may kaugnayan. Batay sa kinalabasang pag-aaral at sa mga mananaliksik sa antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral, nabuo ang ilang mungkahi: Para sa mga mag-aaral, higit na bigyang pansin ng mga mag-aaral ang kanilang kahinaan para sa lubos na pagkatuto. Para sa mga guro, hikayatin ang mga guro sa mga seminar at palatuntunan na naglalayon na higit na mapaunlad ang kaalaman sa kauriang nominal at iba pang bahagi ng panalita. Para sa mga Tagapamahala, sikaping magkaroon ng maraming aklat o babasahin na may kinalaman sa paksang tatalakayin. Magkaroon ng ibayong pag-aaral at pagbabalangkas ng kurikulum tungo sa higit na mabisang pagkatuto sa kauriang nominal. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang tinuturo na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita. Para sa mga sususnod pang mga mananaliksik, ipagpatuloy ang nasimulang pag-aaral upang malaman ang antas ng kahusayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita ng mga mag-aaral.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .Ar21 2011 (Browse shelf(Opens below)) C1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1246
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .Ar21 2011 (Browse shelf(Opens below)) C2 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-1247

Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2011

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon sa Mataas na Paaralan ng Montalban Heights.

Sinagot ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang pansariling datos ng mga mag-aaral batay sa kasarian, marka sa Filipino (unang taon) at wikang sinasalita; (2) Ano ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahgi ng panalita sa mga mag-aaral; (3) May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral ng ikalawang taon ayon sa kanilang propayl

Ang pamamaraang ginamit ay palarawan sapagkat tumutukoy ito sa pangkasalukuyang pag-aaral. Ang mga tagatugon ay napili sa pamamagitan ng random sampling. Sa isang silid-aralan ay may 20 respondente. Ang bilang ng mga lalaki ay 45 at ang mga babae ay 55 na may kabuuang bilang na 100 na mga mag-aaral sa ikalawang taon sa mataas na paaralan ng Montalban Heights. Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang bahagi: una tungkol sa propayl ng mga tagatugon, at sa pangalawa nakapaloob ang apat na kasanayan: uri ng pangngalan, kayarian ng pangngalan, uri ng panghalip at kaukulan ng panghalip. Ito ay binubuo ng 40 na aytem na ibinigay sa pagsusulit upang malaman ang kanilang kahusayan sa pagtukoy ng kauriaang nominal. Ginamit ang Likert Scale upang malaman ang interpretasyong berbal sa pagsusuri ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal.

Sa unang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage. Nalaman sa pag-aaral na ito na ang babae ang may pinakamataas na bilang ng mga tagatugon batay sa kasarian. Nalaman din na ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon ay nakakuha ng 76-80 na marka sa Filipino (unang taon). Samantala ang may pinakamaraming bilang ng mga tagatugon batay sa wikang sinasalita ang Tagalog.

Sa ikalawang suliranin, ang pormulang ginamit ay Percentage at Weighted Mean.

Tinuklas sa suliraning ito ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral. Nalaman na ang weighted mean sa uri ng pangngalan ay5.52 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa kayarian ng pangngalan, ang weighted mean ay 5.19 na may interpretasyong berbal na mahusay. Sa uri ng panghalip ang weighted mean ay 4.65 na may interpretasyong berbal na mahusay at sa kaukulang panghalip ang weighted mean ay 3.43 na may interpretasyong berbal na di- gaanong mahusay.

Ginamit ang pormulang One Way ANOVA sa ikatlong suliranin upang malaman ang makabuluhang pagkakaiba ng pag-aaral. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa wikang sinasalita na haypotesis na tinanggap at may interpretasyong berbal na walang kaugnayan.Samantalang may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral batay sa kasarian at sa marka sa Filipino (unang taon) na may haypotesis na di-tinanggap at may interpretasyong berbal na may kaugnayan.

Batay sa kinalabasang pag-aaral at sa mga mananaliksik sa antas ng kahusayan sa pagtukoy ng kauriang nominal bilang bahagi ng panalita sa mga mag-aaral, nabuo ang ilang mungkahi:

Para sa mga mag-aaral, higit na bigyang pansin ng mga mag-aaral ang kanilang kahinaan para sa lubos na pagkatuto. Para sa mga guro, hikayatin ang mga guro sa mga seminar at palatuntunan na naglalayon na higit na mapaunlad ang kaalaman sa kauriang nominal at iba pang bahagi ng panalita. Para sa mga Tagapamahala, sikaping magkaroon ng maraming aklat o babasahin na may kinalaman sa paksang tatalakayin. Magkaroon ng ibayong pag-aaral at pagbabalangkas ng kurikulum tungo sa higit na mabisang pagkatuto sa kauriang nominal. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang tinuturo na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kasanayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita. Para sa mga sususnod pang mga mananaliksik, ipagpatuloy ang nasimulang pag-aaral upang malaman ang antas ng kahusayan sa kauriang nominal bilang bahagi ng panalita ng mga mag-aaral.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library