Mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa tagumpay national high school at San Jose national high school

Santiago, Ana Joy

Mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa tagumpay national high school at San Jose national high school Ana Joy Santiago and Josemen M. Samar - 2024 - xi, 76 leaves; illustrations 28 cm

Undergraduate Thesis

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga pamamaraan sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino ng mga guro sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Isang kwantitatibong pananaliksik na sinamahan ng kwalitatibong Pananaliksik, na kung saan sa pag-aaral na ito, natuklasan ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, batay sa paggamit ng mga gurong tagatugon sa Tagumpay National High School at San Jose National High
School. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na nahahati sa dalawang kategorya; check list at pagpapahayag na tanong para sa mga guro na
tutugon. Anumang kagamitan katulad ng sinagutang talatanungan ay ipinasa at pinagtibay ng mga gurong taga-gabay. Ang bawat talatanungan na sinagutan ng
mga mag-aaral ay nilapatan ng angkop na interpretasyon at analisis.
Ang karamihan sa mga tagatugon ay bihasa at may sapat na kwalipikasyon sa larangan ng pagtuturo sa industriya ng edukasyon. Ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagtuturo ay nagpapakitang kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa larangan na kanilang pinili. Ang kanilang kabihasaan at kwalipikasyon ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na magbigayng dekalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral, na naglalagay sa kanila sa isang magandang posisyon upang makapagambag sa pagpapaunlad ng edukasyon at paghubogng mga kabataan. Ang kanilang karanasan at kaalaman ay mahalaga sa pagtuturo at nagpapakita ng kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa propesyon ng pagtuturo.
Nakatutulong ang mga pamamaraang Collaborative Method, Reflective
Method, Integrative Method, Constructivist Method, at Inquiry Based Method sa
pagtuturo sa asignaturang Filipino, na may kaukulang mataas na antas ng
pagsang-ayon mula sa mga guro, nagpapakita na ang iba't ibang pamamaraan sa
pagtuturo ay epektibo sa pag-enhance ng kasanayan at interes ng mga mag-aaral
sa asignaturang
Filipino. Ang mga suliranin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay kinikilala ng mga guro, kabilang ang kakulangan sa materyales at kagamitan, pangangailangan ng pagsasanay, pagbabago sa kurikulum, at kawalan ng interes ng mga magaaral.
Ang mga ito ay maaaring masulusyunan sa pamamagitan ng pagsasanay,
pagsusuri at pagsasaayos sa kurikulum, at pagpapahalaga sa makabuluhang
aktibidad.
Ang pagpapaayos ng pagtuturo ng asignaturang Filipino ay nangangailangan
ng malawakang pagsasanay ng mga guro at pagsuporta mula sa pamahalaan.
Kinakailangan ang pagsasaayos sa kurikulum, pagapahalaga sa wika at
panitikan ng Pilipinas, paglikha ng makabuluhang aktibidad, pakikipagtulungan sa komunidad, at pagtuon sa gramatika. Ang suporta mula sa pamahalaan ay
mahalaga upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa asignaturang
Filipino.



LG 221.R59 / .Sa594 2024

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library