Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Pagbuo at Kabisaan ng Subtitled Video sa Pag-unawa sa Piling Akdang Pampanitikan sa Filipino 10/ Wilfredo Tomagan Pagaduan Jr.

By: Material type: TextPublication details: 2022Description: xii, 103 leaves; illustrations, 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221. R59 .P14 2022
Dissertation note: GS thesis Master sa Sining ng Pagtuturo Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2022 Summary: Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo at matukoy ang kabisaan ng Subtitled Video sa pag-unawa ng mga piling akdang pampanitikan kumpara sa tradisyunal na pagbasa ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang na nasa modang online distance learning ng Tagumpay National High School, taong panuruan 2021-2022. Ang naging paksa ng paggamit ng subtitled video sa pag-unawa ng mga piling akdang pampanitikan ay ang anekdota, maikling kuwento, at epiko, mga araling nakakuha ng pinakamababang mean score sa isinagawang diyagnostikong pagsusulit ng mananaliksik tungkol sa panitikang Africa at Persia. Ang mga tagatugon ay mga mag-aaral sa dalawang seksyon, apatnapu (40) bawat isa, sa ika-10 baitang na nasa ilalim ng online distance learning. Sila ang sumailalim sa pag-aaral bilang pangkat ekperimental at kontrol. Bawat pangkat ay sumagot sa ibinigay na panimulang pagsusulit upang malaman ng mananaliksik ang kahandaan at kaalaman ng mga mag-aaral sa akdang tatalakayin. Matapos turuan ang mga mag-aaral gamit ang subtitled video sa pangkat ekperimental at tradisyunal na paraan sa pangkat kontrol, sila ay binigyan muli ng panghuling pagsusulit upang malaman ang antas ng kaalamang natamo ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral ay gumamit ng pamamaraang eksperimental sa pamamagitan ng pretest and posttest design, dikriptib sa pamamagitan ng interview para sa mga mag-aaral na sumailalim sa Focus Group Discussion. Dependent t-test ang ginamit upang matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba ang mean scores ng panimula at panghuling pagsusulit ng pangkat ekperimental at kontrol. Independent t-test naman ang ginamit upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba ng mean scores ng panghuling pagsusulit ng pangkat eksperimental at kontrol. Focused Group Discussion naman sa pamamagitan ng interview ang isinagawa ng mananaliksik upang matukoy ang fidbak ng mga mag-aaral sa paggamit ng binuong subtitled-video. Ang nabuong subtitled video, batay sa pananaw ng mga mag-aaral na gumamit nito, ay nakatutulong sa pag-unawa ng mga akdang pampanitikan, nakapupukaw ng interes, at ang subtitle ay nakahihikayat ng pagbabasa. Subalit ang koneksyon sa internet, ingay sa paligid, preperensya sa pagbabasa ng mga mag-aaral, at ang kalidad ng audio at video ang nakikitang kahinaan ng kagamitang ito Sa kabuuan ng pag-aaral na ito, nabuo ang konklusyong ang paggamit ng subtitled video at tradisyunal na pagbasa ay parehong epektibo. Iminumungkahing gamitin ng mga guro sa Filipino 10 bilang isang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa pag-unawa ng mga akdang panitikan subalit sikaping naangkop ang kalidad nag audio at video sa ekspektasyon ng mga mag-aaral. Naging rekomendasyon din ng mananaliksik ang pagkakaroon pa ng katulad na pag-aaral sa subtitled video sa ibang antas o grade level ng mga mag-aaral, pag-aaral sa ibang panahon, pag-aaral tungkol sa paggamit ng subtitled videos sa mga mag-aaral na hindi Tagalog ang unang wika, at pag-aaral tungkol sa iba pang salik na nakaapekto sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa gamit ang multimedia tulad ng subtitled video.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Graduate School Theses & Dissertations LG 221. R59 .P14 2022 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-GST-0278
Theses and dissertations Rodriguez College Library Graduate School Theses & Dissertations LG 221. R59 .P14 2022 (Browse shelf(Opens below)) 2 Not For Loan URSROD-GST-0279

GS thesis Master sa Sining ng Pagtuturo Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2022

Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo at matukoy ang kabisaan ng Subtitled Video sa pag-unawa ng mga piling akdang pampanitikan kumpara sa tradisyunal na pagbasa ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang na nasa modang online distance learning ng Tagumpay National High School, taong panuruan 2021-2022.

Ang naging paksa ng paggamit ng subtitled video sa pag-unawa ng mga piling akdang pampanitikan ay ang anekdota, maikling kuwento, at epiko, mga araling nakakuha ng pinakamababang mean score sa isinagawang diyagnostikong pagsusulit ng mananaliksik tungkol sa panitikang Africa at Persia. Ang mga tagatugon ay mga mag-aaral sa dalawang seksyon, apatnapu (40) bawat isa, sa ika-10 baitang na nasa ilalim ng online distance learning. Sila ang sumailalim sa pag-aaral bilang pangkat ekperimental at kontrol. Bawat pangkat ay sumagot sa ibinigay na panimulang pagsusulit upang malaman ng mananaliksik ang kahandaan at kaalaman ng mga mag-aaral sa akdang tatalakayin. Matapos turuan ang mga mag-aaral gamit ang subtitled video sa pangkat ekperimental at tradisyunal na paraan sa pangkat kontrol, sila ay binigyan muli ng panghuling pagsusulit upang malaman ang antas ng kaalamang natamo ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral ay gumamit ng pamamaraang eksperimental sa pamamagitan ng pretest and posttest design, dikriptib sa pamamagitan ng interview para sa mga mag-aaral na sumailalim sa Focus Group Discussion. Dependent t-test ang ginamit upang matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba ang mean scores ng panimula at panghuling pagsusulit ng pangkat ekperimental at kontrol. Independent t-test naman ang ginamit upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba ng mean scores ng panghuling pagsusulit ng pangkat eksperimental at kontrol. Focused Group Discussion naman sa pamamagitan ng interview ang isinagawa ng mananaliksik upang matukoy ang fidbak ng mga mag-aaral sa paggamit ng binuong subtitled-video.

Ang nabuong subtitled video, batay sa pananaw ng mga mag-aaral na gumamit nito, ay nakatutulong sa pag-unawa ng mga akdang pampanitikan, nakapupukaw ng interes, at ang subtitle ay nakahihikayat ng pagbabasa. Subalit ang koneksyon sa internet, ingay sa paligid, preperensya sa pagbabasa ng mga mag-aaral, at ang kalidad ng audio at video ang nakikitang kahinaan ng kagamitang ito

Sa kabuuan ng pag-aaral na ito, nabuo ang konklusyong ang paggamit ng subtitled video at tradisyunal na pagbasa ay parehong epektibo. Iminumungkahing gamitin ng mga guro sa Filipino 10 bilang isang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa pag-unawa ng mga akdang panitikan subalit sikaping naangkop ang kalidad nag audio at video sa ekspektasyon ng mga mag-aaral.

Naging rekomendasyon din ng mananaliksik ang pagkakaroon pa ng katulad na pag-aaral sa subtitled video sa ibang antas o grade level ng mga mag-aaral, pag-aaral sa ibang panahon, pag-aaral tungkol sa paggamit ng subtitled videos sa mga mag-aaral na hindi Tagalog ang unang wika, at pag-aaral tungkol sa iba pang salik na nakaapekto sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa gamit ang multimedia tulad ng subtitled video.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library