Antas ng kahusayan sa wastong gamit ng salita ng mga piling mag-aaral sa iklawang taon sa University of Rizal System Rodriguez, Rizal/ Aiza T. Arsolon, Amy R. Dela Cruz [at] Julius Ferr K. Rombaoa
Material type:
TextPublication details: 2012Description: xii, 53 leaves; illusrations, 28 cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .Ar74 2012
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .Ar74 2012 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1263 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2012
Layunin ng pag-aaral na ito na makuha ang antas ng kahusayan sa wastong gamit ng mga salita ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon sa University of Rizal System Rodriguez Rizal. Ang mga suliraning nakapaloob sa pag-aaral na ito: una, ang propayl ng mga tagatugon batay sa kanilang edad, kasarian, wikang ginagamit sa bahay? Pangalawa, ano ang antas ng kahusayan ng mga piling mag-aaral sa ikalawang taon sa University of Rizal System Rodriguez Rizal batay sa kanilang propayl?
Nabatid sa pag-aaral na ito na ang mga tagatugon ay binubuo ng talumpung (30) o 50% na lalaki at gayun din ang mga babae na may bilang na talumpu (30) o 50% na may kabuuang bilang na aminapung (60) o 100% mag-aaral batay sa propayl ng kanilang edad. pinakamaraming mag-aaral ang tumugon na may edad na labing walo (18) na may kabuuang bilang na dalawampu (20). Ayon naman sa wikang ginagamit sa bahay ng mga tagatugon, lahat ay gum,agamit ng wikang tagalong sa kanilang bahay.
Batay sa kabuuang iskor na 7.67 sa Ng at Nang, ang mga tagatugon ay mahusay.
Ayon sa kabuuang iskor sa Subukin at Subukan na 5.83,ang mga tagatugon ay di-gaanong mahusay. Ayon naman sa kabuuang iskor na 7.91 sa May at Mayroon, ang mga tagatugon ay mahusay ayon sa wastong gamit na Din at Rin sa kabuuang iskor nito na 8.78, ang mga tagatugon ay mahusay na mahusay. Nakita rin na mahusay na mahusay ang mga tagatugon sa wastong gamit na Sila at Sina dahil sa kabuuang iskor nito na 9.4. dahil sa pangkalahatang iskor sa wastong gamit ng salitang Ng at Nang, Subukin at Subukan, May at Mayroon, Rin at Din, na 7.92, nabatid ng mga mananaliksik na ang mga tagatugon ay mahusay sa wastong gamit ng salita.
Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa wastong gamit ng salita ng mga mag-aaral; sa ikalawang taon sa University of Rizal System Rodriguez Rizal batay sa kanilang pansariling datos. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral na isinakatuparan ng mga mananaliksik at pagbubuod nito, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi upang mapagtuunan ang kasanayan sa paggamit ng wastong salita. Sa mga namumuno ng Paaralan, maging kasangkapan nawa ang paaralan sa lalong ikapakikinabang ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalaan ng mga kagamitan tulad ng aklat upang lalong mapanday ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral.
Sa mga guro, bigyang pansin ang paglinang sa kasanayan sa paggamit ng weastong salita na angkop sa pagbuo ng isang pangungusap upang maging tulay ito sa lalong pag-unlad ng kanilang kaalaman.
Sa mga magulang, bigyang halaga ang kasanayan sa paggamit ng wastong salita at gamitin ang mga ito bilang instrumento upang lalong mapaunlad ang kaisipan at kaalaman ng inyong mga anak.
Sa mga susunod na mananaliksik, nawa'y maging daan ang pananaliksik na ito upang masuri ang kasanayan sa paggamit ng wastong salita sa pagbuo ng isang pangungusap at pati sa pagpapahalaga sa asignaturang retorika.
There are no comments on this title.