Antas ng kaalaman sa paggamit ng palatuldikan ng mga piling mag-aaral sa ika-sampung baitang ng mataas na paaralan ng San Isidro/ Gennilyn Solares Cruz, Angelo Lorenzo Facurib, Cindy Leocadio Ramos
Material type:
TextPublication details: 2025Description: ix. 62 leaves Illustrations 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .C8892 2025
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59.C8892 (Browse shelf(Opens below)) | c1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1472 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino
University of Rizal System, Rodriguez Rizal
2025
Ang pag-aaral na ito ay tumutok sa pagsusuri ng "Antas ng Kaalaman sa Paggamit ng Palatuldikan ng mga Piling Mag-Aaral sa Ika-sampung Baitang ng Mataas na Paaralan ng San Isidro". Sinuri ang kanilang kasanayan sa tamang paggamit ng tuldik sa parehong pasulat at pasalitang paraan, pati na rin ang posibleng kaugnayan nito sa mga salik tulad ng kasarian, sinasalitang dayalekto, buwanang kita ng pamilya, at antas ng edukasyon ng magulang. Upang matiyak ang katumpakan ng pagsusuri, ginamit ang mga estadistikang pamamaraan gaya ng Independent t-test at One-Way ANOVA, Lumabas sa resulta na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kaalaman sa palatuldikan batay sa mga nabanggit na salik, na nangangahulugang hindi tuwirang nakaaapekto ang mga ito
You sent
sa kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga tuldik.
Bagaman may kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng palatuldikan, natukoy na may ilan pa ring nahihirapan sa pagkilala at aplikasyon ng wastong tuldik sa kanilang pagsulat at pagsasalita. Ang limitadong paggamit ng mga tuldik sa pang-araw-araw na komunikasyon, pati na rin ang kakulangan ng sapat na pagsasanay sa paaralan, ay ilan sa mga posibleng dahilan ng kahinaang ito. Dahil dito, lumilitaw ang pangangailangan para sa mas epektibong estratehiya sa pagtuturo ng palatuidikan, kabilang ang masusing gabay mula sa mga guro at mas maraming pagsasanay sa pagbasa, pagsulat, at pagsasalita.
Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapalakas ng pagtuturo ng palatuldikan sa loob ng silid-aralan sa pamamagitan ng mas interaktibong pamamaraan. Mahalaga rin ang aktibong papel ng mga guro sa pagbibigay ng tamang halimbawa at gabay sa mga mag-aaral. Bukod dito, hinihikayat ang mga magulang na suportahan ang pagkatuto ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga babasahing may wastong gamit ng tuldik. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga guro, mag-aaral, magulang, at institusyong pang-edukasyon, maaaring mapabuti ang kasanayan sa paggamit ng palatuldikan, na makakatulong sa mas epektibong pagpapahayag at pag-unawa sa wikang Filipino.
There are no comments on this title.