Epekto sa pagkatuto ng paggamit ng mga midyang pang-edukasyon sa mga mag-aaral ng ika-10 baitang/ Melbuen C. Tarog, Marjorie T. [and] Jemmalyn P. Villanueva
Material type:
TextPublication details: 2016Description: xi, 43 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.59 .71762 2016
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Graduate School Theses & Dissertations | Non-fiction | LG 221.59 .71762 2016 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1272 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Graduate School Theses & Dissertations,Collection: Non-fiction Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Batsilyer ng Edukasyon Pansekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2016
Ang pananaliksik na ito ay naglayon na mabatid kung mayroon bang epekto sa pagkatuto ng paggamit ng midyang pang-edukasyon sa mga mag-aaral ng ika-10 baitang.
Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay may kabuuang bilang na animnapu't ima (65) mula sa ika-10 baitang ng Mataas na Paaralan ng Tagumpay taong panuruan 2015-2016,
Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay nagsagawa ng masusing hakbangin para sa ikatatagumpay ng pag-aaral. Ang unang hakbang ay ginawa ng mga mananaliksik ay pumili ng dalawang pangkat na nagsisilbing pangkat kontrol at pangkat eksperimental na mayroon na animnapu't lima (65) mag-aaral upang tiyakin na makakakuha ng sapat na datos. Ikalawa, ay ang pagbuo ng talatanungan para sa mga tagatugon. Ikatlo, ay ang pagsasagawa ng pag-aaral na sinimulan na pagbibigay ng panimulang pagtataya na gumamit ng instrumentong pampagtuturo sa tradisyunal na pamamaraan para s pangkat kontrol sa pangkat eksperimental naman ay gumamit ng mga midyang pang-edukasyon bilang instrument pampagtuturo sa mga mag-aaral. Ikaapat, ay ang pagalam kung ano ang pagkakaiba sa naging resulta ng mensahe sa panimula at panapos na pagtataya ng pangkat kontrol at pangkat eksperimental upang malaman ang epekto sa pagkatuto ng mag-aaral sa paggamit ng midyang pang-edukasyon.
Batay sa kinalabasn ng pauna at panapos na pagtataya, ang Mean scores na 35.7 ay nakuha ng pangkat kontrol at Mean score na 37.3 na nakuha ng pangkat Eksperimental.
Ang P-value na 000 ay mas mababa sa 0.05 level of significance. Sumakatuwid, ang haka ng pag-aaral ay hindi tinanggap at ipinapakita lamang nito na may makabuluhang pagkakaiba sa mean scores ng pauna at panapos na pagtataya ng dalawang pangkat.
Sa madaling sabi, sa isinagawang pananaliksik ang pangkat eksperimental ang higit na tumuon sa kanilang pag-aaral dahil ginamitan ng midyang pang-edukasyon sa pagtuturo o sa isinagawang talakayan. Batay sa isinagawang pag-aaral narito ang mga sumusunod na konklusyon na nabuo ng mga mananaliksik. Una, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi nakaugnay sa paggamit ng midyang pang-edukasyon. Panglawa, gumamit man o hindi rig midyang pang-edukasyon, matututo parin ang mga mag-aaral. Ikatlo, ang paggamit ng midyang pang-edukasyon ay mas higit na epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ayon sa pag-aaral na ito minumungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy ang magandang pamamalakad sa panuruang institusyon at higit lalo sa magandang kalidad ng eduksyon para sa mga mag-aaral, Ipagpatuloy ang magandang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral at pagpapaunawa ng karunungan at kaalaman kahit pa sa paggamit ng midyang pang-edukasyon bilang paraan ng pampagtuturo o hindi. Pagibayuhin ang pagbibigay ng pansin at pagbibigay halaga sa asignaturang Filipino kahit hindi ito ginagamitan ng midyang sa pagtuturo, patuloy na pagbibigay ng gabay ng mga magulang ng sa kanilang pag-aaral.
There are no comments on this title.