Pamamaraang pagbasa at pagpapanood ng maikling kwento sa grade 9: Rinablle R. Arroyo, Joanna Marie S. Carullo [and] Jeshua F. Guilido isang pahimbing na pag-aaral/
Material type:
TextPublication details: 2016Description: xi, 55 leaves illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .Ar698 2016
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 Ar698 2016 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1560 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2016
Ang layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay naglayong
mabatid ang mas mabisang pamamaraan sa pagtuturo ng mga maikling kwento.Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang ebalwatib-deskriptib.
Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay may kabuuang bilang na tatlumpu (30) mula sa ika-9 na baitang sa mataas na paaralan ng Burgos. Upang maisagawa
ang pag-aaral na ito pumili ang mga mananaliksik ng tatlong maikling kwento.
Matapos nito ay gumawa ang mga mananaliksik ng 10 katanungan sa bawat maikling kwento at ipinabalideyt sa mga dalubguro sa Filipino.
Batay sa mga datos na nalikom mula sa mga mag-aaral na tagatugon sa
pag-aaral, ito ang mga sumusunod na buod na natuklasan ng mga mananaliksik.
Ang naging resulta ng pagsusulit sa pamamaraang pagpapabasa:
"Pamamaraang pagpapabasa ng maikling kwento ng akdang "Sa Bagong
Paraiso" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuha ng 8.67 na kabuuang
mean, Makikita naman sa maikling kwentong "Canal Dela Reina" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuhang 9.01 na kabuuang mean, at ang akdang" Ang Ama" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuhang 10.13 nakabuuang
mean.
Ang naging resulta naman ng pagsusulit sa pamamaraang pagpapanood:
Ang kabisaan ng mga pamamaraang pagpapanood ng maikling kwento ng akdang "Sa BagongParaiso" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuhang 7.67 na kabuuang mean, makikita naman sa maikling kwentong "Canal Dela Reina" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuhang7.8 na kabuuang mean, at ang akdang "Ang Ama" ang mga mag-aaral na tagatugon ay nakakuha ng 9.13 na kabuuang mean.
Ayon sa nakuhang iskor ng mga tagatugon lumalabas lamang na parehong epektibo ang dalawang pamamaraan yaman lamang na mas mataas ang naging resulta ng pagsusulit sa pamamaraang pagpapabasa. At mayroong makabuluhang pagkakaiba ang kahusayan ng mga tagatugon sa pagpapanood at pagpapabasa sa kadahilanang mas mataas ang kanilang antas ng pag-unawa sa pamamagitan ng pagbabasa at malinaw na ipinapakita ng pag-aral at istadistika parehas na mabisa ang pagpapabasa at pagpapanood.
Batay sa nalikom na mga datos mula sa mga tagatugon sa pag-aaral, ito ang mga sumusunod na buod na natuklasan ng mga mananaliksik se kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pagbubud nito, nabuo ang mga sumusunod namungkahi upang pagtuunan ng pansin ang mga
nabanggit na suliranin.
Sa Administrasyon. Sana ay maging instrumento ang pag-aaral na ito upang mabigyang pansin ang mga nailahad na pamamaraan sa pagtuturo at maipagpatuloy ang magandang simulain sa pagpapataas ng antas ng Edukasyon at pagsasaayos ng sistema ng ating edukasyon tungo sa
globalisadong bansa.
Sa Mga Guro. Nawa'y maging hamon ang mga pag-aaral na ito upang
mas mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kasanayan upang mas maging
epektibong guro na siyang huhubog sa kakayahan ng mga mag-aaral.
Sa mga mananaliksik. Maging gabay at gamitin upang maging mahusay
at epektibong guro sa hinaharap.
Ang pagsunod sa mga nabanggit ay makapagpapamalas sa isang guro ng isang katangi-tanging adhikain at pananaw sa pagpapataas ng uri ng edukasyon. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, masasabi na ang pagtamo ng pinakamataas na kalidad at literadong mamamayan ay siyang tunguhin sa pagkamit ng tanging adhikain.
There are no comments on this title.