Kakayahan sa Pagsasaling Wika ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang/ Keisha Marie T. Anastacio, Steve L. Coral, [and] Angela S. Testa
Material type:
TextPublication details: 2018Description: xii, 55 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221. R59 .An15 2018
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221. R59 .An15 2018 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-1520 |
Browsing Rodriguez College Library shelves,Shelving location: Undergraduate Theses Close shelf browser (Hides shelf browser)
Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2018
ng mga tagatugon sa asignaturang Filipino at sa asignaturang Ingles. At, Tagalog ang wikang mas ginagamit ng mga tagatugon sa kanilang tahanan. Samantala, 'di gaanong mahusay ang kakayahan ng mga tagatugon sa pagsasalin ng salita Katamtaman naman ang husay ng mga tagatugon sa pagsasalin ng parirala, idyoma, at pangungusap.
Sa kabuuan, walang makabuluhang pagkakaiba sa kakayahan ng mga tagatugon sa pagsasaling wika kapag pinangkat batay sa kanilang pansariling datos maliban lamang sa kasarian batay sa pagsasalin ng pangungusap, sa huling marka sa asignaturang Filipino batay sa pagsasalin ng salita at parirala, at sa huling marka sa asignaturang Ingles batay sa pagsasalin ng salita, parirala, idyoma, at pangungusap.
Bilang konklusyon ng mga mananaliksik sa naging resulta ng pag-aaral, parehong mataas ang markang nakuha ng mga mag-aaral sa huling pagmamarka sa asignaturang Filipino at Ingles, at karamihan sa kanila ay nagsasalita ng Filipino sa tahanan. May sapat din na kakayahan ang mga mag-aaral sa pagsasaling wika maliban sa pagsasalin ng salita. Hindi rin nagkakaiba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasaling wika batay sa kanilang propayl, maliban sa kasarian batay sa pagsasalin ng Ingles, sa huling marka sa Filipino batay sa pagsasalin ng salita at parirala, at sa huling marka sa Ingles.
Batay sa naging resulta ng pag-aaral at sa konklusyong nabuo, bumuo ang mga mananaliksik ng ilang rekomendasyon.
Sa mga mag-aaral, tulungan ang inyong sarili na mapunan ang mga balakid na nakakaaapekto sa pagsasalin nang mahusay. Mas lalo pang palawakin ang inyong bokabularyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng anumang mga sulatin tulad ng mga aklat, panitikan, at iba pa. Hikayatin din ang inyong mga sarili na sanayin ang kakayahan sa pagsasaling wika upang mas lalo pa itong umunlad at humubog.
Sa mga guro, makilahok sa mga programa o seminar na may kaugnayan sa pagsasaling wika. Hikayatin ang mga mag-aaral na tangkilikin ang pagsasaling wika bilang isang sining ng bansa. Magsagawa rin ng ilang pagsasanay na hahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasaling wika.
Sa mga susunod na mananaliksik, ipagpatuloy niyo ang nasimulan nang pag-aaral kaugnay sa pagsasaling wika. Mas lalo pang himayin at palalimin ang pag-aaral sa pagsasaling wika nang mas umusbong pa ang sining na ito sa ating bansa.
There are no comments on this title.