Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong bachelor of secondary education major in filipino/ Brimon, Raven Mae F...[et.al.]

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2024Description: xiii. 56 leaves illustrations 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .B77 2024
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of Secondary Education major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2024 Summary: Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang makatulong sa mga mag-aaral at makapagbigay nang mungkahi sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tseklist na sinagutan ng mga tagatugon mula sa unang antas at ikalawang antas na medyor sa Filipino ng University of Rizal System, Rodriguez Branch. Sinagot ng mga tagatugon ang talatanungan, (1) batay sa kanilang kasarian, antas, grado sa Filipino, at trabaho ng kanilang mga magulang. (2) mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. (3) at kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino kung ito ay ipapangkat batay sa kanilang propayl, Gumamit ng Descriptive Method at ang pag-aaral ay Kwantitatibong Pananaliksik. Sa paraang Purposive Sampling Technique ay nakuha ang walampu't pitong tagatugon mula sa unang antas, at ikalawang antas Ang mga nabuong resulta ay ginamitan ng mga sumusunod na istadistika: (1) Frequency and Percentage Distribution upang makuha ang pansariling datos ng mga tagatugon. Upang makuha ang datos ng mga salik sa pagpili ng kurso. (2) Gumamit ng One-way Anova upang makuha kung may makabuluhang pagkakaiba ang mga baryabol. Ang nakita sa distribusyon ng kasarian ay nagpapakita na mas mataas ang mayorya ng mga tagatugon ay babae na may kabuuang 74.71% na karamihan ay binubuo ng nasa ikalawang antas ng mga tagatugon na may bilang na 54.02% ang karamihan ng tagatugon ay may marking 1.5-1.9 na may kabuuang 77.01%, at karamihan sa trabaho ng kanilang mga magulang ay Driver na may kabuuang 31.03%. Nakita na malaki ang impluwensya ng sariling interes at motibasyon sa pagpili ng kurso, kung saan ang average mean ay 3.87, na nangangahulugang Nakaaapekto. Ang salik ng desisyon ng pamilya ay Hindi Nakaaapekto sa kadahilanang ito ay may average mean na 2.21. Ang salik na batay sa sosyal ay may average mean na 2.38 at ito ay Hindi Nakaaapekto. Ang salik na batay sa kultura ay may average mean na 3.96 at ito ay Nakaaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino ng mga tagatugon na nasa unang antas at ikalawang antas. Ang mga variables ng kasarian, antas, grado sa Filipino at trabaho ng mga magulang ay walang makabuluhang pagkakaiba sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso. Ang resulta ay nagpapahiwatig ng kahalagahan nang pagsusuri sa konteksto ng bawat mag-aaral upang mas maunawaan ang mga salik na maaaring makaapekto sa kanilang desisyon. Karamihan sa mga kababaihan ang gustong maging guro. Hindi nakabase sa trabaho ng magulang ang kurso ng mag-aaral dahil sila ay may sariling desisyon. Mahalaga ang natuklasang mataas na impluwensya ng sariling interes at motibasyon sa pagpili ng kurso at ito ay maaaring maging gabay para sa mga institusyon ng edukasyon sa pagbigay suporta sa mga mag-aaral. Ang hindi paglalaman nang malalaking impluwensya sa pagitan ng mga grupo ng mga variable tulad ng kasarian, antas, grado sa Filipino, at trabaho ng mga magulang ay nagpapahiwatig na ang mga ito ay walang makabuluhang pagkakaiba kung ito ay ipapangkat sa pagitan ng mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Hinihikayat ang mga guro na magkaroon nang malalim na pang-unawa sa personal na konteksto ng kanilang mga mag-aaral. Ang pagbibigay-diin sa indibidwal na pangangailangan at interes ng mga mag-aaral ay maaaring makatulong sa mas epektibong pagtuturo at paggabay. Inirerekomenda sa mga mag-aaral na maging bukas sa sariling interes at layunin sa edukasyon. Ang masusing pagsusuri sa sariling kagustuhan at pag-unlad sa asignaturang Filipino ay maaaring makatulong sa mas mabisang pagpili ng kurso.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .B77 2024 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-0906

Undergraduate Thesis
Bachelor of Secondary Education major in Filipino
University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2024

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang makatulong sa mga mag-aaral at makapagbigay nang mungkahi sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tseklist na sinagutan ng mga tagatugon mula sa unang antas at ikalawang antas na medyor sa Filipino ng University of Rizal System, Rodriguez Branch. Sinagot ng mga tagatugon ang talatanungan, (1) batay sa kanilang kasarian, antas, grado sa Filipino, at trabaho ng kanilang mga magulang. (2) mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. (3) at kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino kung ito ay ipapangkat batay sa kanilang propayl, Gumamit ng Descriptive Method at ang pag-aaral ay Kwantitatibong Pananaliksik. Sa paraang Purposive Sampling Technique ay nakuha ang walampu't pitong tagatugon mula sa unang antas, at ikalawang antas

Ang mga nabuong resulta ay ginamitan ng mga sumusunod na istadistika:

(1) Frequency and Percentage Distribution upang makuha ang pansariling datos ng mga tagatugon. Upang makuha ang datos ng mga salik sa pagpili ng kurso. (2) Gumamit ng One-way Anova upang makuha kung may makabuluhang pagkakaiba ang mga baryabol.

Ang nakita sa distribusyon ng kasarian ay nagpapakita na mas mataas ang mayorya ng mga tagatugon ay babae na may kabuuang 74.71% na karamihan ay binubuo ng nasa ikalawang antas ng mga tagatugon na may bilang na 54.02% ang karamihan ng tagatugon ay may marking 1.5-1.9 na may kabuuang 77.01%, at karamihan sa trabaho ng kanilang mga magulang ay Driver na may kabuuang 31.03%.

Nakita na malaki ang impluwensya ng sariling interes at motibasyon sa pagpili ng kurso, kung saan ang average mean ay 3.87, na nangangahulugang Nakaaapekto. Ang salik ng desisyon ng pamilya ay Hindi Nakaaapekto sa kadahilanang ito ay may average mean na 2.21. Ang salik na batay sa sosyal ay may average mean na 2.38 at ito ay Hindi Nakaaapekto. Ang salik na batay sa kultura ay may average mean na 3.96 at ito ay Nakaaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino ng mga tagatugon na nasa unang antas at ikalawang antas. Ang mga variables ng kasarian, antas, grado sa Filipino at trabaho ng mga magulang ay walang makabuluhang pagkakaiba sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso. Ang resulta ay nagpapahiwatig ng kahalagahan nang pagsusuri sa konteksto ng bawat mag-aaral upang mas maunawaan ang mga salik na maaaring makaapekto sa kanilang desisyon.

Karamihan sa mga kababaihan ang gustong maging guro. Hindi nakabase sa trabaho ng magulang ang kurso ng mag-aaral dahil sila ay may sariling desisyon. Mahalaga ang natuklasang mataas na impluwensya ng sariling interes at motibasyon sa pagpili ng kurso at ito ay maaaring maging gabay para sa mga institusyon ng edukasyon sa pagbigay suporta sa mga mag-aaral. Ang hindi paglalaman nang malalaking impluwensya sa pagitan ng mga grupo ng mga variable tulad ng kasarian, antas, grado sa Filipino, at trabaho ng mga magulang ay nagpapahiwatig na ang mga ito ay walang makabuluhang pagkakaiba kung ito ay ipapangkat sa pagitan ng mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino.

Hinihikayat ang mga guro na magkaroon nang malalim na pang-unawa sa personal na konteksto ng kanilang mga mag-aaral. Ang pagbibigay-diin sa indibidwal na pangangailangan at interes ng mga mag-aaral ay maaaring makatulong sa mas epektibong pagtuturo at paggabay. Inirerekomenda sa mga mag-aaral na maging bukas sa sariling interes at layunin sa edukasyon. Ang masusing pagsusuri sa sariling kagustuhan at pag-unlad sa asignaturang Filipino ay maaaring makatulong sa mas mabisang pagpili ng kurso.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library