Epekto ng wikang balbal sa pananalita ng mga mag-aaral sa Gen Licerio Geronimo Memorial National High School/ Mica C. Magante, Rubelyn S. Seguenza [and] Aina Mae P. Yepes
Material type:
TextPublication details: 2023Description: xii, 47 leaves; illustrations, 28cmContent type: - text
- unmediated
- volume
- LG 221.R59 .M2706 2023
| Cover image | Item type | Current library | Home library | Collection | Shelving location | Call number | Materials specified | Vol info | URL | Copy number | Status | Notes | Date due | Barcode | Item holds | Item hold queue priority | Course reserves | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses and dissertations
|
Rodriguez College Library Undergraduate Theses | LG 221.R59 .M2706 2023 (Browse shelf(Opens below)) | 1 | Not For Loan | URSROD-UGT-FIL-0811 |
Undergraduate theses
Batsilyar ng Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino University of Rizal System Rodriguez, Rizal
year of 2023
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Epekto ng Wikang Balbal sa Pananalita ng mga mag-aaral ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School ay naglalayong malaman ang epekto ng wikang balbal sa pormal na pananalita ng mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng 30 na mga tagatugon mula sa Gen. Liceno Geronimo Memorial National High School Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptib-ebalwatib sa ginawang pag-aaral dahil ito ay angkop sa gagawing pagkuha ng mga datos na gagamitan ng isang sarbey upang makuha ang tiyak na kasagutan. Ayon sa kinalabasan ng ginawang pananaliksik, natukoy na walang makabuluhang pagkakaiba sa epekto ng wikang balbal sa mga mag-aaral batay sa propayl ng mga tagatugon.
Batay sa nakalap at natuos na mga datos ang konklusyon nito ay higit na nakararami ang mga tagatugon na gumagamit ng wikang tagalog at nasa edad na labing apat (14) na taong gulang. Pangalawa ang mga halimbawa ng mga wikang balbal. At ang panghuli, napag-alaman na nakakatulong ang wikang balbal upang mabilis na makilala ang isang tao at napapalawak ang kaalaman dahil sa mga nauusong bagong salita.
Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, narito ang mga sumusunod na mungkahi: Mula sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod na mungkahi ay nabuo upang malaman ang Epekto ng Wikang Balbal sa Pananalita ng mga Mag-aaral ng Gen. Licerio Geronimo Memorial National High School. Sa mga namumuno, Ipagpatuloy ang maunlad na pamamalakad ng mga programang naglalayon sa magandang kalidad ng edukasyon at wikang umuusbong sa Pilipinas. Sa mga Guro, Patuloy na gabayan ang mga mag-aaral upang malinang at mapaunlad ang kanilang kakayahan at ihanda ang mga ito sa mga pagbabago na kanilang haharapin. Sa mga Mag-aaral, Bigyang pansin at halaga ang mga umuusbong na wikain sa Pilipinas. Aralin ng maigi ang mga kabataang mahalin pa ang pambansang wika sa kabila ng mga umuusbong na makamundong wika dito sa ating bansa. Sa mga magiging guro, Hayaang gamitin ang mga modernong salita sa pakikipagtalastasan sa loob ng silid-aralan ngunit sila'y gabayan kung paano ito gagamitin ng wasto at akma sa sitwasyon.
There are no comments on this title.