Image from Google Jackets
Image from OpenLibrary

Mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa tagumpay national high school at San Jose national high school Ana Joy Santiago and Josemen M. Samar

By: Contributor(s): Material type: TextPublication details: 2024Description: xi, 76 leaves; illustrations 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s):
LOC classification:
  • LG 221.R59 .Sa594 2024
Dissertation note: Undergraduate Thesis Bachelor of secondary education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal 2024 Summary: Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ng mga guro sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Isang kwantitatibong pananaliksik na sinamahan ng kwalitatibong Pananaliksik, na kung saan sa pag-aaral na ito, natuklasan ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, batay sa paggamit ng mga gurong tagatugon sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na nahahati sa dalawang kategorya; check list at pagpapahayag na tanong para sa mga guro na tutugon. Anumang kagamitan katulad ng sinagutang talatanungan ay ipinasa at pinagtibay ng mga gurong taga-gabay. Ang bawat talatanungan na sinagutan ng mga mag-aaral ay nilapatan ng angkop na interpretasyon at analisis. Ang karamihan sa mga tagatugon ay bihasa at may sapat na kwalipikasyon sa larangan ng pagtuturo sa industriya ng edukasyon. Ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagtuturo ay nagpapakitang kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa larangan na kanilang pinili. Ang kanilang kabihasaan at kwalipikasyon ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na magbigayng dekalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral, na naglalagay sa kanila sa isang magandang posisyon upang makapagambag sa pagpapaunlad ng edukasyon at paghubogng mga kabataan. Ang kanilang karanasan at kaalaman ay mahalaga sa pagtuturo at nagpapakita ng kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa propesyon ng pagtuturo. Nakatutulong ang mga pamamaraang Collaborative Method, Reflective Method, Integrative Method, Constructivist Method, at Inquiry Based Method sa pagtuturo sa asignaturang Filipino, na may kaukulang mataas na antas ng pagsang-ayon mula sa mga guro, nagpapakita na ang iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo ay epektibo sa pag-enhance ng kasanayan at interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang mga suliranin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay kinikilala ng mga guro, kabilang ang kakulangan sa materyales at kagamitan, pangangailangan ng pagsasanay, pagbabago sa kurikulum, at kawalan ng interes ng mga magaaral. Ang mga ito ay maaaring masulusyunan sa pamamagitan ng pagsasanay, pagsusuri at pagsasaayos sa kurikulum, at pagpapahalaga sa makabuluhang aktibidad. Ang pagpapaayos ng pagtuturo ng asignaturang Filipino ay nangangailangan ng malawakang pagsasanay ng mga guro at pagsuporta mula sa pamahalaan. Kinakailangan ang pagsasaayos sa kurikulum, pagapahalaga sa wika at panitikan ng Pilipinas, paglikha ng makabuluhang aktibidad, pakikipagtulungan sa komunidad, at pagtuon sa gramatika. Ang suporta mula sa pamahalaan ay mahalaga upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa asignaturang Filipino.
Tags from this library: No tags from this library for this title.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Home library Collection Shelving location Call number Materials specified Vol info URL Copy number Status Notes Date due Barcode Item holds Item hold queue priority Course reserves
Theses and dissertations Rodriguez College Library Undergraduate Theses LG 221.R59 .Sa594 2024 (Browse shelf(Opens below)) 1 Not For Loan URSROD-UGT-FIL-0904

Undergraduate Thesis Bachelor of secondary education Major in Filipino University of Rizal System, Rodriguez, Rizal
2024

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga pamamaraan sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino ng mga guro sa Tagumpay National High School at San Jose National High School. Isang kwantitatibong pananaliksik na sinamahan ng kwalitatibong Pananaliksik, na kung saan sa pag-aaral na ito, natuklasan ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, batay sa paggamit ng mga gurong tagatugon sa Tagumpay National High School at San Jose National High
School. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na nahahati sa dalawang kategorya; check list at pagpapahayag na tanong para sa mga guro na
tutugon. Anumang kagamitan katulad ng sinagutang talatanungan ay ipinasa at pinagtibay ng mga gurong taga-gabay. Ang bawat talatanungan na sinagutan ng
mga mag-aaral ay nilapatan ng angkop na interpretasyon at analisis.
Ang karamihan sa mga tagatugon ay bihasa at may sapat na kwalipikasyon sa larangan ng pagtuturo sa industriya ng edukasyon. Ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagtuturo ay nagpapakitang kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa larangan na kanilang pinili. Ang kanilang kabihasaan at kwalipikasyon ay nagbibigay sa kanila ng kakayahan na magbigayng dekalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral, na naglalagay sa kanila sa isang magandang posisyon upang makapagambag sa pagpapaunlad ng edukasyon at paghubogng mga kabataan. Ang kanilang karanasan at kaalaman ay mahalaga sa pagtuturo at nagpapakita ng kanilang pagtitiyaga at dedikasyon sa propesyon ng pagtuturo.
Nakatutulong ang mga pamamaraang Collaborative Method, Reflective
Method, Integrative Method, Constructivist Method, at Inquiry Based Method sa
pagtuturo sa asignaturang Filipino, na may kaukulang mataas na antas ng
pagsang-ayon mula sa mga guro, nagpapakita na ang iba't ibang pamamaraan sa
pagtuturo ay epektibo sa pag-enhance ng kasanayan at interes ng mga mag-aaral
sa asignaturang
Filipino. Ang mga suliranin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay kinikilala ng mga guro, kabilang ang kakulangan sa materyales at kagamitan, pangangailangan ng pagsasanay, pagbabago sa kurikulum, at kawalan ng interes ng mga magaaral.
Ang mga ito ay maaaring masulusyunan sa pamamagitan ng pagsasanay,
pagsusuri at pagsasaayos sa kurikulum, at pagpapahalaga sa makabuluhang
aktibidad.
Ang pagpapaayos ng pagtuturo ng asignaturang Filipino ay nangangailangan
ng malawakang pagsasanay ng mga guro at pagsuporta mula sa pamahalaan.
Kinakailangan ang pagsasaayos sa kurikulum, pagapahalaga sa wika at
panitikan ng Pilipinas, paglikha ng makabuluhang aktibidad, pakikipagtulungan sa komunidad, at pagtuon sa gramatika. Ang suporta mula sa pamahalaan ay
mahalaga upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon sa asignaturang
Filipino.

There are no comments on this title.

to post a comment.

University of Rizal System
Email us at univlibservices@urs.edu.ph

Visit our Website www.urs.edu.ph/library